Isang insidente ng pagnanakaw ang naganap sa isang Ukayan sa Brgy. Poblacion 2, Tanauan City, Batangas dakong alas-2:00 ng madaling araw ng Marso 31, 2025.
Ayon sa paunang imbestigasyon, natuklasan ng sales crew ang pagkalat ng ilang paninda at pagkawala ng perang nagkakahalaga ng P18,000 nang buksan ang tindahan.
Sa pagsuri sa CCTV footage, nakita ang tatlong lalaking suspek na may takip sa mukha gamit ang kanilang mga t-shirt. Pumasok umano ang mga ito sa tindahan sa pamamagitan ng fire exit at mabilis na tumakas patungong Brgy. Poblacion 3, Tanauan City.
Patuloy ang follow-up investigation ng mga awtoridad, kabilang ang panayam sa mga kalapit na establisyemento, pag-alerto sa mga patrol unit, at pagsusuri ng iba pang CCTV footage upang matukoy ang mga suspek.
Ang biktima ay kinilala bilang si alyas Jomar, 26 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Poblacion 5, Tanauan City. | BChannel NEWS