Patay ang isang lalaking kinilalang si Michael matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal bandang alas-3:10 ng madaling araw ng Abril 23, 2025.
Ayon sa ulat ng Antipolo City Police Station (CCPS), isang tawag sa cellphone ang natanggap ng PCP2 Tactical Operation Center ukol sa insidente. Agad namang rumesponde ang mga pulis upang beripikahin ang ulat.
Base sa paunang imbestigasyon at kuha ng CCTV sa lugar, makikitang abala sa paggamit ng cellphone ang biktima nang bigla siyang barilin sa likod ng ulo ng isang lalaking suspek. Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang salarin saka umangkas sa nag-aabang na motorsiklo sa labas patungo sa hindi pa matukoy na direksyon.
Agad namang dinala ang biktima sa Hospital, ngunit idineklara itong dead on arrival.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PCP2 personnel, kabilang na ang backtracking ng CCTV footage para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at motibo. Inirekomenda na rin ang pagsasagawa ng technical examination ng SOCO at isang dragnet operation upang mahuli ang suspek. | BChannel NEWS