Isang lalaki ang binaril sa kanyang mukha sa Brgy. Sambat, Balayan, Batangas nitong Biyernes, April 25 bandang 8:10 ng gabi.
Ayon sa imbestigasyon ng Balayan Police Station (MPS), ang biktima, na nakilalang si Jemil, ay kasama ang isang lalaki na si Emong nang dumating sila sa lugar ng krimen.
Sinabi ni “Emong” kay Jemil na huminto muna sila dahil kailangan niyang umihi.
Pagkatapos bumaba ni “Emong” mula sa motorsiklo ng biktima, dumating ang suspek na si Jojo, na nakasakay sa isang puting motorsiklo, at bigla na lamang binaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi matukoy na direksyon, habang ang biktima ay tumakbo papunta sa malapit na residential area.
Kaagad ding isinugod ang biktima sa Hospital para magamot ang tinamong bala sa kanyang mukha. Patuloy ang imbestigasyon ng Balayan MPS upang matukoy ang motibo sa naturang insidente. | BChannel NEWS