Opens in a new tab
Skip to content
News

Bangkay ng lalaki natagpuan sa madamong bahagi ng Rodriguez, Rizal

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng isang concerned citizen sa madamong bahagi ng Sitio Lower Bangkal, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal dakong alas-8:30 ng umaga nitong Mayo 8, 2025.

Ayon sa Rodriguez Municipal Police Station, ang nasabing bangkay ay natagpuan sa isang liblib na lugar at agad na iniulat sa mga opisyal ng barangay.

Kinilala ang biktima na si Joel, 46 taong gulang, tubong Tabaco, Albay, at kasalukuyang nakatira sa San Isidro, Rodriguez, Rizal. Siya ay isang construction worker at may kinakasamang partner sa nasabing tirahan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima at kung may nangyaring foul play sa insidente. | BChannel NEWS