Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan sa ilalim ng tulay sa Barangay Calo sa bayan ng Lobo Batangas, Sabado ng umaga, Mayo 24.
Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay natagpuang walang suot na pang-itaas at tanging dilaw na shorts lamang ang kanyang suot.
Sa kasalukuyan ay wala pang natutukoy na pagkakakilanlan ang awtoridad sa nasabing lalaki.
Patuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Inaalam na rin kung may naganap na foul play sa insidente. | BChannel NEWS