Isang lalaki ang natagpuang patay matapos umano’y pagtatagain sa Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City Cavite dakong 1:15 ng madaling-araw nitong Hunyo 6, 2025.
Batay sa imbestigasyon ng Bacoor City Police Station (CCPS), napag-alamang tinangka umano ng suspek na si Enrique, 49 anyos, na kunin ang isang telebisyon at kalan na balak ibenta ng halagang P5,000 upang makapagsimula umano ng bagong buhay.
Nang pumagitna sa sitwasyon ang biktimang si Joel, 43 taong gulang, nauwi ito sa mainitang pagtatalo na kalauna’y nauwi sa pananaga ng suspek gamit ang matalim na armas. Matapos ang krimen, tumakas si Enrique sa hindi matukoy na direksyon.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong motibo at upang mabigyan ng hustisya ang naturang biktima.
Humingi rin ng tulong sa SOCO para sa mas malalim na pagsusuri sa krimen. | via BChannel NEWS