Arestado ang isang lalaki matapos magtangkang magnakaw sa isang apartment sa Barangay Poblacion 1, Santo Tomas City, Batangas.
Bandang ala-1:06 ng madaling araw ng August 3, 2025, nakatanggap ng tawag ang Sto Tomas CCPS mula sa isang concerned citizen ukol sa isang robbery incident sa isang apartment. Agad nag-responde ang Mobile Patrol Unit at SWAT Quick Reaction Team (QRT) na dumating sa lugar bandang 1:10 AM.
Ayon sa imbestigasyon, ang suspek, na kinilalang si Joseph, isang 41 anyos na construction worker mula sa Bacolod, ay umakyat sa bubong ng apartment at dumaan sa hindi nakalak na bintana. Pagpasok sa loob, tinutukan ng ice pick ang biktima, itinali ang mga kamay gamit ang wire, at itinali ang pillowcase sa bibig ng biktima upang mapigil itong magsalita.
Kinuha ng suspek ang cellphone ng biktima at Php 1,000.00 na pera bago tumakas mula sa isang steel window.
Sa follow-up na operasyon, nahuli ang suspek sa isang construction site sa Barangay Poblacion 1. Narekober mula sa kanya ang ice pick na ginamit sa krimen.
Nahaharap siya ngayon sa kaukulang kaso. | BChannel NEWS