Karumal dumal ang sinapit ng isang babae matapos itong halayin at patayin ng isang lasing na lalaki sa Barangay Del Rosario, Lopez, Quezon, bandang ala-una y medya ng madaling araw ng Agosto 4, 2025.
Base sa imbestigasyon ng Lopez Police, ang biktima ay inatake habang natutulog, at pinatay sa pamamagitan ng isang screwdriver na natagpuan sa crime scene.
Kinumpirma ng doktor na ang biktima ay ginahasa bago tinusok sa dibdib.
Dinala pa sa ospital ang biktima ng kanyang mga kapatid, ngunit sa kasamaang palad, binawian ng buhay ang biktima habang ginagamot.
Matapos ang masusing follow-up na pagsisiyasat, nahuli ang suspek na si MARK JAY, 19 anyos, isang garbage collector, residente ng Barangay Del Rosario, Lopez, Quezon.
Ayon sa pulisya, lasing ang suspek at natutulog din sa bahay ng kanyang tiyahin nang mangyari ang krimen. Inamin niyang ginahasa at pinatay ang biktima sa pamamagitan ng pagtusok gamit ang screwdriver.
Ang suspek ay ngayon ay nasa kustodiya ng Lopez MPS habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. | BChannel NEWS