Patay ang isang bus conductor matapos mabangga ng kotse at makaladkad pa ng dump truck sa Barangay San Francisco, General Trias, Cavite nitong Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Manny, 30 anyos, residente ng Rodriguez, Rizal.
Ayon sa imbestigasyon, pababa na siya ng bus at tatawid sana sa Arnaldo Highway nang mabangga ng kotse na minamaneho ni Gil, 55 anyos, mula Imus City.
Dahil sa impact, tumilapon ang biktima sa kalsada at nadaganan pa ng paparating na dump truck na agad tumakas.
Dead on the spot si Manny dahil sa malubhang head injury at pagkakaputol ng ilang parte ng katawan. Inaresto agad ng pulis si Gil na posibleng lasing at overspeeding. Patuloy namang hinahanap ang driver ng dump truck na mahaharap sa kaukulang kaso | BChannel NEWS