Usap-usapan ngayon sa social media ang isang staff mula sa Senado na gumamit umano ng marijuana sa loob ng session hall.
Ayon sa mga ulat, naamoy umano ng mga tauhan ng Senate Sergeant-at-Arms ang amoy ng ilegal na droga sa kalagitnaan ng sesyon. Sinundan nila ito hanggang sa isang CR, kung saan natagpuan nila ang babaeng staff, ngunit wala nang nahanap na ebidensiya.
Ayon kay MGen. Mao Aplasca ng Senate Sergeant-at-Arms, iniimbestigahan na nila ang insidente. Ang staff na ito ay dati nang nasangkot sa isang kaparehong isyu, ngunit nakalusot sa pananagutan dahil sa malakas na koneksyon sa kanyang boss.
Pinatawag na rin ang chief of staff ni Senador Robin Padilla upang magbigay ng pahayag hinggil sa reklamo. Kasabay nito, tiniyak ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms na magpapatuloy ang random drug testing sa mga empleyado at staff ng Senado bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsusumikap na mapanatili ang kaayusan sa Senado.
Inihain na ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms ang incident report kay Senador Robin Padilla ngayong araw, Agosto 14, kaugnay sa insidente. Alinsunod ito sa direktiba ni Senate President Chiz Escudero na magsagawa ng imbestigasyon sa natanggap na ulat kahapon.
Ang resulta ng imbestigasyon ay ipapasa kay Senate President Chiz Escudero para sa karagdagang aksyon.
Tuloy ang imbestigasyon at random drug testing sa Senado. | BChannel NEWS