Bangkay na at walang saplot nang makita ang dalagita na umano’y dinukot ng puting SUV sa Bonuan Tondaligan, Dagupan City Pangasinan kaninang madaling araw, Agosto 15, 2025.
Ayon sa mga residente, natagpuan nila ang biktima bandang 5:56 AM at agad ini-report ito sa mga barangay officials. Kinilala ng pamilya ang biktima bilang si Alleria Gabrielle Jamias, kilala sa tawag na Portia.
Ayon sa tiyahin ng biktima, nawawala si Portia kahapon ng hapon mula 4:30 PM hanggang 6:00 PM sa Barangay Bantog, Asingan.
Ayon sa mga saksi, may puting Fortuner na dumaan at isinakay si Portia.
Patuloy ang imbestigasyon ng Pangasinan Police at humihingi sila ng tulong mula sa publiko para matukoy ang mga may kagagawan. | BChannel NEWS