Dalawang lalaki ang pinagbabaril ng apat na suspek sa Brgy. Palsahingin, San Pascual, Batangas nitong Huwebes bandang 1:43 PM, August 14.
Ayon sa San Pascual Police, habang naka-park ang mga biktima sa harap ng isang Food Park, biglang dumating ang mga suspek sakay ng isang silver na MPV at pinaputukan sila ng ilang beses.
Agad tumakas ang mga suspek patungong Batangas City.
Naisugod naman sa Hospital ang dalawang biktima na sina Ariel, 44-anyos, at Jayson, 41-anyos, parehong taga-Bauan, Batangas, kung nasa stable na silang kondisyon.
Ayon sa panayam ng BChannel NEWS team kay San Pascual Police Officer-in-Charge PMAJ RICKY MALINAO FORNOLLES, tinitingnan na motibo ay may kaugnayan sa ilegal na droga dahil may ka-transaction o bigayan umano nang mangyari ang insidente.
Ginagawa na ng San Pascual MPS ang mga hakbang upang matukoy ang mga suspek, kabilang na ang OPLAN Sita/Iron Curtain at pagkuha ng CCTV footage.
Patuloy ang imbestigasyon at koordinasyon sa mga kalapit na barangay at police stations. | BChannel NEWS