Sinaksak ang isang lalaki ng mga hindi pa kilalang suspek sa Villa Anita, Brgy. Santa Clara, Batangas City bandang alas 10:30 ng gabi nitong August 15, 2025.
Ayon sa inisyal na report ng Batangas City Police Station, ang biktima na si Gilmart, 44 anyos, isang security guard, ay sinubukang awatin ang isang grupo ng kalalakihan na nagsusuntukan.
Subalit, imbes na tumalima sa utos ng biktima, inatake siya ng mga suspek.
Sinubukan niyang iligtas ang sarili, ngunit nakuha pa rin siya nitong saksakin sa kanan, sa itaas na bahagi ng likod. Pagkatapos ng insidente, tumakas ang mga suspek.
Nalaman din ng biktima na nawawala ang kanyang service firearm. Agad siyang dinala sa Hospital para sa medical treatment at confinement.
Patuloy ang follow-up operation ng mga otoridad upang matukoy at mahuli ang mga suspek na nanatiling hindi pa kilala.
Patuloy ang operasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga suspek. | BChannel NEWS