Opens in a new tab
Skip to content
Business

Diesel at kerosene, tataas muli next week; gasoline, may rollback

gasoline pumps in close up photography

Posibleng tumaas ng hanggang P2.70 kada litro ang diesel at P1.20 naman sa kerosene, habang inaasahang bababa ng P1.30 kada litro ang gasolina sa susunod na linggo.

Batay ito sa unang tatlong araw ng trading sa Mean of Platts Singapore, habang ang naunang estimates ay nagtataya ng P2 hanggang P2.50 na dagdag sa diesel at P1 hanggang P1.50 na bawas sa gasolina.

Ayon sa industriya ng langis, pangunahing dahilan ang panibagong tensyon sa Middle East, kabilang ang mga pag-atake sa mga barko sa Strait of Hormuz at mga pasilidad sa Saudi Arabia.

Posible pang magbago ang presyo matapos ang huling trading session sa Biyernes. Inaasahang iaanunsyo ng mga oil company ang opisyal na adjustments bago ipatupad ang mga ito sa Martes.