Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki na nakilalang si Jepoy Perez sa Brgy. Poblacion 4, Tanauan City, Batangas kaninang madaling-araw, Agosto 17.
Ayon sa Tanauan City Police Station, isang delivery worker mula sa kalapit na shopping center ang unang nakadiskubre sa katawan bandang 1:30 ng madaling-araw, sa tapat mismo ng JL’s Pares-Bagnet.
Base sa initial investigation, may sugat sa kanang bahagi ng ulo at gasgas sa kanang tuhod ang biktima. Napansin din ang scuff marks na tila senyales na dumulas ang katawan bago huminto.
Isang cellphone na natagpuan 11 metro mula sa bangkay ang nakumpirma na pagmamay-ari ng biktima, matapos buksan ang kanyang Facebook account.
Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima habang patuloy na pinaghahanap ang posibleng suspek. | BChannel NEWS