Ligtas na nakabalik sa Ninoy Aquino International Airport ang Philippine Airlines Flight PR 412 patungong Kansai matapos magkaroon ng mid-air pressurization alert ngayong Miyerkules ng umaga.
Ang Airbus A321ceo ay lumipad mula Manila dakong alas-10:08 ng umaga, ngunit makalipas ang ilang minuto ay nakaranas ng aberya kaya’t agad na nagdesisyon ang flight crew na bumalik sa NAIA bilang bahagi ng safety protocol.
Bandang alas-11:20 AM ay ligtas na lumapag ang eroplano.
Ayon sa PAL, ang lahat ng 191 pasahero at 8 crew members ay nasa maayos na kalagayan at agad na nakababa ng eroplano.
Sa inilabas na pahayag ng PAL, tiniyak nilang ang kaligtasan at kapakanan ng mga pasahero ang kanilang pangunahing prioridad. Nagbigay rin sila ng assistance gaya ng meals, baggage support at rebooking para sa mga apektadong biyahero.
Dagdag pa ng PAL, agad na ipinairal ang mahigpit na safety protocols kaya’t naging maayos at ligtas ang pagbabalik ng flight. | BChannel News