Itinanggi ng suspendidong DPWH Batangas 1st District Engineer Abelardo Calalo na hindi siya nagbigay ng suhol kay Congressman Leandro Leviste.
Ayon sa kanyang counter-affidavit nitong Biyernes, ang P3.1 milyon ay donasyon umano mula sa isang kontratista na inutusan umano ni Uswag Ilonggo Party-list Rep. Jojo Ang para sa mga proyekto ng kongresista.
Dagdag pa ni Calalo na bahagi ito ng suporta sa mga proyekto at programa ni Leviste, at hindi suhol.
Tinutulan naman ni Cong. Leviste ang depensa ni Calalo.
Ayon sa pahayag ni Cong Leviste, may resibo ang pera kaugnay sa tatlong kontrata na nagkakahalaga ng higit P104 milyon, na may nakasulat na “3% o 3,126,900.00” kung saan ang mga lugar ng proyekto ay sa mga bayan ng Lian, at Lemery.
Base sa DPWH records, ang kontrata ay ipinagkaloob sa Toptech Trading & Construction Co., Inc. ng Lemery, Batangas.
Sinabi ni Leviste na mukhang inamin ni Calalo ang pagtanggap ng donasyon at dapat ipakita ang listahan ng iba pang contractors na handang magbigay ng suporta.
Idinagdag pa ni Leviste na umalis na sa bansa ang president ng contractor na sangkot at pinangalanan ito na si Elrey Jose Noche mula sa Lemery, Batangas.
Nauna nang nagsampa si Leviste ng kaso laban kay Calalo para sa direct bribery, corruption, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. | BChannel news