Patay ang isang construction worker matapos saksakin kagabi, Setyembre 5, bandang alas-8 ng gabi sa Brgy. Santol, Silang.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Silang Police Station, nag-iinuman ang biktimang si Orencio, 43 anyos, kasama ang dalawang suspek sa bahay ng isa sa kanila. Nauwi sa mainit na pagtatalo ang kasiyahan at nagkaroon ng rambulan. Pinagtulungan ng mga suspek ang biktima at sinaksak umano ni Joey, 40 anyos, gamit ang patalim.
Nakita ng mga barangay tanod ang gulo at agad na rumesponde, dahilan upang madakip si Nolly, 26 anyos. Tumakas naman si Joey dala ang ginamit na patalim.
Agad na dinala sa Hospital ang biktima ngunit idineklara siyang dead on arrival.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulisya ang naarestong suspek habang patuloy ang manhunt laban sa tumakas. | BChannel news