Sugatan at nauwi sa pagkakaaresto ang isang army reservist matapos aksidenteng pumutok ang kanyang nililinis na baril pasado alas-onse ng gabi, September 7, sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Joseph, 29 anyos. Ayon sa salaysay ng kanyang nobya, nililinis umano ng lalaki ang baril nang makarinig siya ng putok. Pagbalik sa kuwarto, natagpuan niya ang nobyo na may tama ng bala sa mukha.
Agad siyang humingi ng tulong sa barangay at dinala sa Pagamutan ng Dasmariñas ang sugatan, kung saan siya naaresto ng mga pulis at binalaan kaugnay sa paglabag sa batas.
Narekober sa lugar ng insidente ang isang Armscor 9MM pistol, isang magazine, at limang bala.
Sa ngayon, naka-hospital arrest ang suspek at nahaharap sa kaso dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. | BChannel News