Tinamaan nang matinding Super Typhoon Nando ang Babuyan Islands sa Calayan.
Maraming kabahayan ang nawasak, nawalan ng bubong, at halos wala nang matirhan ang ilang residente.
Hindi lang tirahan ang nasira, kundi pati mga bangka na ginagamit sa pangingisda at maging mga pananim, winasak ng bagyo.
Sa ngayon, marami nang nawalan ng hanapbuhay at hindi na alam kung saan kukuha ng kabuhayan.
Nanawagan ang mga opisyal at residente kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa national government ng agarang ayuda para muling makabangon ang isla.
Giit nila, taon-taon silang binabayo ng bagyo pero madalas hindi napapansin.
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan lamang ang mabilis na nagpadala ng tulong, ngunit hindi ito sapat dahil sa lawak ng pinsala. Kaya hiling nila ngayon—sana ay mapansin na at mabigyan ng dagdag na suporta upang makabangon ang isla mula sa hagupit ni Nando.