Naaresto ng mga tauhan ng Sto. Tomas City Police ang isang barangay chief police matapos ang ikinasang search warrant operation sa Barangay San Bartolome, Sto. Tomas City, Batangas nitong Setyembre 26.
Kinilala ang suspek na “JR,” 66 anyos, at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, nakumpiska ang isang Colt caliber .45, isang 9mm pistol, at dalawang magazine na may lamang 13 live ammunition.
Lahat ng ebidensiya ay maayos na inimbentaryo at dokumentado gamit ang body-worn camera, sa presensya ng barangay officials.
Nahuli siya sa bisa ng search warrant na inilabas ng Branch 66 ng Tanauan City RTC.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Sto. Tomas City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. | BChannel news | 📷 Batangas PPO