Isang lalaki ang patay matapos ang aksidente sa Brgy. Caloocan, Talisay, Batangas kaninang 11:32 ng umaga September 27.
Sa CCTV footage, habang binabaybay ng motorsiklo ang pakurbang daan ay nag-overtake ito sa isang tricycle at paglipat sa kabilang linya ay nadulas at sumalpok sa kasalubong na mini bus.
Sa lakas ng impact tumilapon ang rider at angkas nito.
Agad rumesponde ang MDRRMO, BFP, Red Cross at iba pang ahensya upang sagipin ang mga biktima.
Sa kabila ng mabilis na aksyon, isa ang tuluyang nasawi sa insidente habang ginagamot pa ang kasamahan nito
Nagpaalala naman ang MDRRMO sa lahat ng motorista na iwasan ang biglaang pag-overtake, magsuot ng helmet at protective gear, at laging sumunod sa batas-trapiko upang makaiwas sa trahedya.
Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad. | BChannel news | 📽 Jerico Petate