Naaresto ng Balayan Municipal Police Station ang 20-anyos na si Henry, kasabwat sa nakaraang insidente ng pagnanakaw at carnapping sa Barangay Magabe.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, bandang 1:14 ng madaling araw ng Setyembre 25, ninakaw ng suspek ang dalawang cellphone at isang motorcycle mula sa mga biktima, na siyang kanyang ginamit upang tumakas.
Sa tulong ng Barangay Officials at mga biktima, natunton si Henry sa kanyang pansamantalang tirahan sa Barangay Lanatan, kung saan narekober ang mga ninakaw na items.
Kasalukuyang nakadetention ang suspek sa Balayan MPS habang inihahanda ang kaso para sa korte. | BChannel news | 📸 Batangas PPO