Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbibigay ang Office of the President ng ₱50 million financial aid sa Cebu Province bilang suporta sa recovery efforts matapos ang 6.9 magnitude na lindol noong Setyembre 30.
Sa situation briefing sa Bogo City ngayong Oktubre a-Dos, sinabi ng Pangulo na tatanggap ng ₱20 million ang Bogo City, San Remigio at Sogod. Habang ₱10 million naman ang ilalaan sa Bantayan, Daanbantayan, Madridejos, Medellin, Santa Fe, Tabogon at Tabuelan.
Kasama rin dito ang ₱20 million para sa lahat ng DOH-run hospitals at ₱5 million bawat provincial hospital.
Bukod pa rito, inatasan ni PBBM ang Department of Budget and Management na i-release ang ₱150 million Local Government Support Fund para sa buong Cebu at dagdag na ₱75 million para sa San Remigio, Bogo at Medellin.
Sa kabuuan, umabot sa halos ₱225 million ang tulong na ipapamahagi ng national government para sa mga nasalantang bayan at lungsod ng Cebu.