Natagpuang patay ang mag-asawa sa Sitio Tubuhan, Barangay Buenavista West, Candelaria, Quezon nitong Huwebes bandang alas-kwatro ng madaling araw Oktubre 9.
Ayon sa imbestigasyon ng Candelaria Municipal Police Station, habang nasa loob ng kanilang tahanan ang mga biktimang sina Arellano at Luz, biglang dumating ang lalaking suspek.
Dito ay walang awang pinukpok ng bakal na tubo sa ulo ang mga biktima, na agad ikinasawi ng dalawa.
Ayon sa mga awtoriadad, ang itinuturong suspek ay isang Victor Dinamitas, 24-anyos na residente sa Brgy. Brgy. Banaba Padre Garcia.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Candelaria MPS sa naturang karumal-dumal na krimen at manhunt operation ng mga awtoridad upang mahuli ang tumakas na suspek.
Tinitingnan motibo sa krimen ang away sa utang at posibleng pagnanakaw, ayon sa pulisya | BChannel news