Asahan na ang mas mataas na singil sa kuryente ngayong buwan ng Oktubre.
Ayon sa Manila Electric Company o Meralco, tataas ng ₱0.2331 kada kilowatt-hour ang generation charge, katumbas ng halos ₱47 na dagdag sa mga pamilyang kumukonsumo ng 200 kWh bawat buwan.
Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, ang pagtaas ay dulot ng pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar, na nakaaapekto sa mga bayarin sa mga dayuhang supplier ng kuryente.
Matatandaang noong Setyembre, bahagyang nabawasan ng ₱0.19 ang singil ng Meralco bago muling tumaas ngayong Oktubre. | BChannel news