Isang lalaki ang sugatan matapos pagbabarilin habang nasa comfort room sa Barangay Payapa, Padre Garcia, Batangas nitong Martes, Nov 11.
Ayon sa Padre Garcia Municipal Police Station, pasado alas-6:30 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula kay Barangay Captain Escalera hinggil sa pamamaril sa Sitio Pagkakaisa.
Sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang biktima sa Jose, na noon ay nasa hiwalay na palikuran ng kanilang bahay. Bigla umanong pumasok ang suspek na nakilala sa Herman at dalawang beses pinaputukan ang biktima gamit ang di-pa natutukoy na baril.
Agad tumakas ang suspek patungong Sitio Manggahan matapos ang pamamaril, habang mabilis namang isinugod sa Hospital sa Rosario, Batangas ang biktima para malapatan ng lunas.
Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang motibo at mahuli ang tumakas na suspek. | BChannel news