Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Tatlong taong gulang na bata, nasawi matapos mabangga ng owner-type jeep sa Rosario, Batangas

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Maagang binawian ng buhay ang isang tatlong taong gulang na bata matapos mabangga ng isang owner-type jeepney sa Barangay Poblacion D, Rosario, Batangas, nitong November 10, 2026.

Ayon sa initial investigation ng Rosario Police, kasama ng bata ang kanyang ina at nakatayo sila sa harap ng isang pampasaherong tricycle nang mawalan umano ng kontrol sa manibela ang isang jeepney na may plakang DLR-484.

Dahil dito, sumwerve pakanan ang jeep, unang bumangga sa likurang bahagi ng tricycle at kasunod na nabangga ang bata.

Agad na isinugod sa Hospital ang biktima na kinilalang si alyas Jayden, residente ng Barangay Gulod Labac, Batangas City. Gayunman, matapos ang halos isang oras na gamutan, pumanaw na ang bata.

Samantala, nasa kustodiya na ng Rosario MPS ang 59-anyos na driver na residente ng Barangay Quilo-Quilo, Padre Garcia, Batangas, para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon. | BChannel news