Nilusob ng CIDG Laguna kasama ang Highway Patrol Team at Los Baños Police ang isang bahay sa Brgy. San Antonio, Los Baños, nitong November 29.

Sa bisa ng search warrant, nakumpiska ang iba’t ibang parte ng baril gaya ng receivers, silencers, barrels, slides, live ammunition, at mga finished at unfinished magazines.
Nakuha rin ang limang CNC machines at computer equipment na ginagamit sa paggawa ng armas, na nagkakahalaga ng nasa 16 milyon piso.
Ayon sa ulat kay Acting CIDG Director PMGEN Robert Morico II, target ang isang “Allan,” residente ng lugar, na umano’y gumagawa ng illegal firearm parts.
Sinabi ni Morico na bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa loose firearms na ipinag-utos ni PNP Acting Chief LTGEN Jose Nartatez. Pinuri rin niya ang CIDG 4A at CIDG Laguna sa malaking accomplishment.
Inihahanda na ang kaso laban sa suspek na kasalukuyang pinaghahanap. Tuloy-tuloy ang CIDG sa pagtugis sa mga gumagawa at nagtatago ng ilegal na armas sa buong bansa. | BChannel news