Bumaba na ng 10 porsiyento ang rehistradong kasal sa 2024, ayon sa Commission on Population and Development.
Marami raw sa kabataan ngayon ang inuuna ang kanilang kabuhayan at personal na layunin bago magpakasal.
Ayon sa CPD, mas pinipili rin ng ilan ang cohabitation o sabay na pamumuhay kaysa pormal na kasal, lalo na dahil sa gastos at komplikadong requirements.
Dagdag pa rito, negatibong kwento sa social media tungkol sa paghihiwalay at problema sa relasyon ang nakakaapekto sa desisyon ng kabataan.
Sa kabila nito, nananatiling popular ang kasal tuwing February, June, at December.
Ngunit ayon sa CPD, mas mahalaga ngayon na maging handa ang kababaihan at bata, at pag-isipang mabuti ang pamilya at pagpaplano ng buhay.