Ipinahayag ni Executive Secretary Ralph Recto na iginalang ng Ehekutibo ang kautusan ng Korte Suprema na ibalik sa PhilHealth ang P60 bilyong hindi nagamit na pondo.
Bahagi ito ng kabuuang P89.9 bilyon na natutulog na pondo ng ahensya.
Ayon kay Recto, sinunod lamang ng Ehekutibo ang mandato ng Kongreso sa 2024 GAA at pinananatili na hindi naapektuhan ang serbisyo ng PhilHealth.
Binigyang-diin niya na ang paglilipat ng pondo ay nagdala sa pinakamalaking pagpapalawak ng benepisyo sa kasaysayan ng Universal Health Care at sa pagsisimula ng Zero Balance Billing para protektahan ang mga pamilyang Pilipino laban sa pagtaas ng gastusing medikal.
Noong Setyembre, iniutos ni Pangulong Marcos ang agarang pagbabalik ng pondo, bilang pagkilala sa mas mahusay na performance at pinalawak na benepisyo ng PhilHealth.