Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos magsagawa ng Search Warrant operation ang Sta. Teresita Municipal Police Station sa Barangay Antipolo, Sta. Teresita, Batangas ngayong December 11, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas Pating, 43 anyos, may asawa, construction worker at residente rin ng naturang barangay. Itinuturing siyang Street Level Individual sa illegal drug trade.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, nasamsam mula sa suspek ang apat na maliit na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 23.78 grams at may halagang aabot sa P161,704. Nakuha rin ang isang kulay light brown na sling bag.
Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | BChannel news