Mas pinalalakas ng SM City Batangas ang shopping experience ngayong tag-init at nalalapit na pasukan sa kanilang 3-Day Sale mula May 15 hanggang 17.

Bukod sa hanggang 70 percent discounts sa iba’t ibang produkto tulad ng summer items, school supplies, at daily essentials, may dagdag benepisyo pa para sa mga naghahanap ng mas malaking tipid bago magsimula ang klase.
May special perks din para sa SMAC at Prestige members, kabilang ang extra discounts at mas maagang shopping access.
Hindi lang pagtitipid ang puwedeng iuwi ng shoppers dahil sa bawat one thousand pesos na purchase, may pagkakataon ding sumali sa e-raffle para sa brand-new Suzuki Dzire Hybrid.
Target ng event na pagsabayin ang sulit na pamimili, back-to-school prep, at exciting rewards para sa mga Batangueño shoppers.
