Isang lalaki ang patay matapos pagbabarilin madaling-araw ng Enero 20 sa Phase 1A, Kasiglahan Village, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.
Bandang alas-4:37 ng umaga nang ipagbigay-alam ng isang concerned citizen sa Rodriguez Municipal Police Station ang insidente.
Ayon sa paunang imbestigasyon, isang residente ang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril at nakita ang biktima na biglang bumagsak sa kalsada na may tama ng bala. Isinugod pa ang biktima sa Ynares Hospital sa Barangay Burgos ngunit idineklara itong dead on arrival.
Isang basyo ng bala ng kalibre 9mm ang narekober at isasailalim sa ballistic examination.
Sa lugar ng insidente, may residente umanong nagsabing ang biktima ay kilala sa pangalang “Arjay,” ngunit ito ay beripikasyon pa.
Sa ngayon, wala pang natutukoy na kamag-anak ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, kabilang ang pagkuha ng CCTV footage sa paligid, at pagsasagawa ng dragnet operation gayundin ang motibo sa pagpaslang. | BChannel news