Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang damuhang bahagi ng Purok 4, Barangay Altura South sa Tanauan City, Batangas, Bandang alas-2:30 ng hapon ng Enero 24, 2026.
Ayon sa Tanauan City Police Station, ipinaalam ng isang barangay opisyal ang insidente sa awtoridad matapos i-report ng isang magsasaka ang pagkakadiskubre sa katawan.
Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na ang biktima ay hindi residente at hindi rin kilala sa lugar. Natagpuan malapit sa pinangyarihan ang isang itim at pulang motorsiklo na may plakang 9462 TL. May nakitang bakas ng dugo sa bahagi ng tiyan at kanang kamay ng biktima.
Inilarawan ang biktima na tinatayang limang talampakan ang taas, nakasuot ng maroon na T-shirt, itim na jacket, itim na belt bag na pang-sports, at itim na tsinelas.
Agad na nagsagawa ang pulisya ng backtracking ng mga CCTV sa paligid.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang motibo sa likod ng insidente. | BChannel news