Arestado ang isang Provincial Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation ng Batangas Component City Police Station sa Barangay Pallocan East, Batangas City ngayong February 16, 2026.
Kinilala ang suspek na si Jose, 29 anyos, construction worker at kasalukuyang residente ng nasabing barangay.
Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na walang inirekomendang piyansa, at hiwalay na warrant para sa kasong theft na may sampung libong pisong piyansa.
Ayon sa Batangas Police, magpapatuloy ang pinaigting na operasyon laban sa mga wanted person upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad. | BChannel news