Arestado ang isang 50 anyos na lalaki matapos masamsaman ng 40 piraso ng live ammunition ng kalibre .45 sa isinagawang pagsisilbi ng search warrant sa Barangay Tulos, Rosario, Batangas ngayong Pebrero 19.
Pinangunahan ng Rosario Municipal Police Station, katuwang ang iba pang unit ng pulisya at Regional Mobile Force Battalion, ang operasyon laban sa suspek na kilala sa alyas na “Aqui.”
Ang search warrant ay inilabas ng Municipal Trial Court ng Rosario noong Pebrero 18 dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Bukod sa mga bala, narekober din ang isang maliit na transparent plastic box.
Nasa kustodiya na ng Rosario MPS ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso.