Makakatanggap ng double pay o 200% ng daily wage ang mga papasok sa trabaho ngayong March 20, kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr, ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE.
Para naman sa hindi papasok, entitled pa rin sa 100% na sahod basta naka-approved leave bago ang holiday.
Dagdag pa rito, may extra 30% pay ang overtime at sa mga papasok kahit rest day.
Paalala ng DOLE sa mga kumpanya, sundin ang tamang pasahod para sa holiday.
Ang Eid’l Fitr ay pagdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan, isang mahalagang panahon ng pagdarasal, pag-aayuno, at pagtulong sa kapwa ng mga Muslim. | BChannel News