Muling namataan ang Philippine deer o Rusa marianna sa iba’t ibang bayan sa Marinduque matapos itong ituring na locally extinct sa loob ng maraming taon.
Ayon sa DENR MIMAROPA, hindi bababa sa sampung indibidwal ang naitala sa Marinduque Wildlife Sanctuary, partikular sa Sta. Cruz, habang may mga bakas din na nakita sa Boac at iba pang lugar.
Ikinokonekta ang pagbabalik ng species sa tuloy-tuloy na conservation efforts tulad ng biodiversity monitoring, camera traps, at pakikipagtulungan sa mga komunidad.
Pero sa kabila nito, may banta pa rin sa kanilang kaligtasan dahil sa illegal hunting, poaching, at pag-atake ng wild dogs.
Sa ngayon, mas pinaigting ng DENR at lokal na pamahalaan ang proteksyon at information campaigns upang masigurong magpapatuloy ang pagdami ng Philippine deer sa lalawigan.
Ang muling paglitaw ng mga usa ay isang malaking tagumpay sa conservation—at paalala na mahalaga ang tuloy-tuloy na pangangalaga sa ating wildlife. | BChannel news