Pinaiigting ng Department of Education ang utos na gawing simple at tipid ang graduation at moving-up ceremonies sa lahat ng public schools ngayong taon.
Sa ilalim ng Memorandum No. 015 series of 2026, ipinagbabawal ang anumang sobrang gastos, kabilang na ang mamahaling kasuotan at kontribusyon mula sa mga magulang. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin nito na mabawasan ang financial burden ng mga pamilya kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at bilihin.
Dagdag pa ng DepEd, hindi dapat gawing requirement ang mga non-academic activities tulad ng field trips at prom, habang ang gastusin sa seremonya ay kukunin mula sa school funds o MOOE.
Inaasahang aabot sa halos 3.7 million learners ang magsisipagtapos ngayong taon, kung saan gaganapin ang ceremonies sa March 30 o 31.
Binigyang-diin ng DepEd na dapat manatiling simple pero makabuluhan ang pagdiriwang ng tagumpay ng mga mag-aaral. | BChannel News