Nasagip ng Coast Guard ang isang mangingisda matapos lumubog ang kanyang motorbanca sa karagatan ng Mauban, Quezon nitong March 21.
Ayon sa ulat, pauwi na sana ang mangingisda mula sa pangingisda malapit sa Cagbalete Island nang magka-aberya ang makina na nagdulot ng pagkasira ng bangka hanggang tuluyang lumubog.
Agad namang rumesponde ang Coast Guard Sub Station Mauban, katuwang ang Bantay Dagat at MDRRMO, at matagumpay na na-rescue ang biktima. Naihatid siya sa pampang at nasa maayos na kondisyon.
Samantala, napag-alamang walang safety equipment ang bangka kaya pinagmulta at binigyan ng babala ang operator.
Paalala ng Philippine Coast Guard, siguraduhing ligtas at sumusunod sa regulasyon ang mga sasakyang pandagat.