Inaasahang tataas ng hanggang 20 percent ang passenger traffic ngayong Holy Week kahit may tuloy-tuloy na oil price hikes dulot ng tensyon sa Middle East.
Ayon kay Philippine Coast Guard Rear Admiral Oliver Sy Tanseco, hindi lang sa mga pantalan mararamdaman ang dagsa ng biyahero kundi pati sa iba’t ibang transportasyon.
Aniya, marami na kasing Pilipino ang matagal nang nakapagplano ng biyahe at nakabili na ng tickets bago pa ang oil crisis.
Tiniyak naman ng LTFRB na sapat ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan para maserbisyuhan ang mga pasahero, habang may ilang ahensya ng gobyerno na magbibigay ng libreng sakay.
Mahigpit ding binabantayan ng DOTr ang pamasahe upang maiwasan ang overpricing. Pinapayuhan ang publiko na agad magsumbong sa SAICT kung may mapansing paglabag para agad maaksyunan. | BChannel News