Patay ang isang 13-anyos na lalaki matapos malunod habang naliligo sa isang resort sa Rosario, Batangas nitong Huwebes ng hapon, May 1.
Batay sa imbestigasyon ng Rosario Municipal Police Station, nangyari ang insidente bandang ala-1:30 ng hapon sa isang resort sa Barangay Cahigam.
Ayon sa mga awtoridad, naliligo umano ang biktima kasama ang kaniyang mga kaibigan at mga pinsan nang subukan nitong mag-backflip sa tubig, ngunit hindi na muling lumutang.
Sa una, inakala pa ng mga kasama na nagbibiro lamang ito o sadyang nagtatagal sa ilalim ng tubig.
Isinugod ang biktima sa Hospital bandang ala-1:50 ng hapon, pero pumanaw rin habang ginagamot bandang ala-2:43 ng hapon.
Nagsagawa ng on-site investigation ang mga pulis, kinapanayam ang mga saksi at resort owner, at nakipag-ugnayan sa pamilya ng biktima para sa maayos na disposisyon.