Nagpaalala ang Philippine Coast Guard sa mga biyahero sa dagat na mahigpit na sundin ang safety protocols matapos ang isang insidente ng pagkahulog ng pasahero mula sa isang pampasaherong barko sa karagatan ng Isla Verde, Batangas City noong Mayo a-uno.
Batay sa ulat ng Coast Guard Sub-Station Isla Verde, isang lalaking pasahero ang nahulog mula sa barko matapos umanong makita sa may railing ng upper deck bago bumagsak sa dagat. Nagsagawa ng rescue operation ang crew at narekober ang biktima na wala nang malay.
Rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard at medical team sakay ng response boat para magsagawa ng agarang medical evacuation. Isinailalim sa CPR ang pasahero habang nakikipag-ugnayan ang Coast Guard sa Batangas Port para sa ambulansya.
Dinala ang biktima sa Batangas Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Sa paunang imbestigasyon, wala umanong naitalang anumang concern o problema sa biktima bago ang insidente. Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Coast Guard Station Batangas sa pamilya ng nasawi at sa shipping company para sa maayos na pag-uwi ng mga labi nito sa Bulalacao, Oriental Mindoro