Patay ang isang 48-anyos na construction worker matapos matagpuang may tama ng baril sa ulo sa tabi ng creek sa Brgy. Sto. Niño, Ibaan, Batangas, gabi ng April 30.
Kinilala ang biktima na si Allan, residente ng naturang barangay. Ayon sa Ibaan Municipal Police Station, bandang 11:00 PM nang i-report ng barangay captain ang insidente matapos matagpuan ang biktima sa lugar.
Pagdating ng mga pulis, wala nang buhay ang biktima at nakakita rin ng limang basyo ng 12-gauge shotgun sa crime scene.
Humingi na ng tulong ang pulisya sa SOCO para sa masusing imbestigasyon habang nagsagawa rin ng dragnet operation sa mga karatig lugar.
Sa ngayon, hindi pa nakikilala ang suspek at patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang motibo sa krimen. | BChannel News