Inilabas na ng Civil Service Commission ang resulta ng March 2026 Career Service Examination-Pen and Paper Test, kung saan 48,735 examinees ang pumasa mula sa higit 307,000 kumuha ng exam nationwide.
Katumbas ito ng 15.85 percent passing rate para sa Professional at Subprofessional levels.
Sa Professional level, nanguna ang examinee mula Region XII, habang NCR naman ang may ilang top performers. Sa Subprofessional level, examinee mula NCR ang nanguna, sinundan ng mga passer mula Region III at iba pang rehiyon.
Ayon sa CSC, mahalagang hakbang ito para sa mga nais makapasok sa permanenteng posisyon sa gobyerno at mapalakas ang hanay ng public service professionals.
Maaaring i-check ng examinees ang kumpletong listahan ng passers sa official CSC channels at authorized result links o dito: https://bit.ly/8Mar26CSEPPTResults