Namangha ang mga residente at motorista sa Jonggol, Bogor, Indonesia matapos makita ang makulay na rainbow-like cloud sa kalangitan noong May 1.
Ayon sa Indonesia’s weather agency o BMKG, hindi ito tunay na bahaghari kundi tinatawag na cloud iridescence—isang natural optical effect na nangyayari kapag ang sikat ng araw ay kumakalat sa maliliit na water droplets o ice crystals sa gilid ng ulap.

Dagdag pa ng mga awtoridad, ang towering cumulus clouds sa lugar ang nagbigay ng mas dramatic at makulay na itsura nito.
Nilinaw din ng BMKG na hindi ito senyales ng bagyo, pero maaari itong magpahiwatig ng localized cloud development at posibleng pag-ulan sa mga kalapit na lugar. | BChannel news