Isang lalaki ang sugatan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek habang sakay ng motorsiklo sa Brgy. Bugaan East, Laurel, Batangas, bandang 11:25 kagabi, May 5.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Laurel Municipal Police Station, binabaybay ng biktima ang lugar nang bigla umano siyang lapitan ng dalawang lalaking sakay rin ng motorsiklo at pinaputukan nang ilang beses.
Naisugod ang biktima sa Global Care Medical Center para sa agarang gamutan.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong direksyon ng Talisay, Batangas.
Patuloy naman ang dragnet operation, backtracking, at pag-review ng mga CCTV footage sa posibleng dinaanan ng mga suspek, habang humingi na rin ng tulong ang pulisya sa SOCO para sa mas masusing imbestigasyon.
Sa ngayon, inaalam pa ang motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan ng mga salarin. | BChannel news