Opens in a new tab
Skip to content
Local

Mahigit P3-Million halagang droga, nakuha sa 3 lalaki sa Taytay, Rizal

Arestado ang tatlong hinihinalang high-value drug personalities matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA kasama ang pulisya sa rooftop parking area ng isang mall sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal nitong Miyerkules ng hapon.

May be an image of text

Kinilala lamang ang mga suspek sa mga alyas na “Amir,” edad 39; “Sohaile,” 43; at “Naofil,” 29.

Ayon sa mga awtoridad, nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na may street value na umaabot sa mahigit tatlong milyong piso.

Narekober din sa operasyon ang isang cellphone, dalawang sasakyan na MPV at kotse, pati ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.

Pinangunahan ang operasyon ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 sa tulong ng iba pang PDEA units at ng Rizal Provincial Intelligence Team ng Philippine National Police.

Mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kaugnay ng ilegal na bentahan ng droga. | BChannel News