Patay ang isang 57-anyos na lalaki matapos umano itong masangkot sa gulo habang naniningil ng utang sa Brgy. Kay-Anlog sa Calamba City, Laguna.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente bandang 5:20 ng hapon nitong May 25 sa Southville 6. Lumalabas na nagtungo umano ang biktima sa bahay ng asawa ng isa sa mga suspek upang singilin ang utang na aabot sa 1,500 pesos.
Habang nag-uusap, nagkaroon umano ng hindi pagkakaintindihan hanggang sa mauwi ito sa komosyon at pananakit. Nagtamo ng malalang sugat ang biktima at agad itong dinala muna sa barangay hall bago isinugod sa ospital.
Pero dakong 9:48 ng gabi, idineklara na itong dead on arrival ng doktor sa ospital.
Kalaunan, boluntaryo umanong sumuko sa mga opisyal ng barangay ang dalawang suspek at pagkatapos ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang proseso.
Narekober naman ng mga awtoridad ang isang steel bat, steel tube, at isang patalim na posibleng ginamit sa insidente.
Patuloy ngayon ang imbestigasyon habang inihahanda na rin ang kaukulang kaso laban sa mga naarestong suspek. | BChannel News